Skip to main content

Sa Ilalim ng Hagdan


Sa ilalim ng hagdan,
Nagtago si Miming ko,
Dagang tela ang baong laruan,
Nag-unat, naupo, humilata sa libro,
Umasta, pumormang makikipaghabulan,
Sumilip, sumulyap paruo't parito,
Sa ilalim ng hagdan,
Bubulaga si Miming ko.